Linggo, Setyembre 30, 2012
Sabado, Setyembre 29, 2012
Ika- 29 ng Setyembre
Pasok
na naman kahit sabado, marurumi yung classroom sa ground floor kasi yun yung
ginamit na quarters ng mga participants sa Palaro kaya sa taas na kami
nagdiscuuss, pinass na pala yung activity naming last week di ko alam hehe,
,maaga akong umuwi kasi wla naman ng dapat gawin, nagtexttext lang muna tas
sinamahan si daddy sa paperworks nila, may sweldo naman ako hahha. Pagod ako
kaya natulog ako ng hapon, paggising ko als syete na pala, buti at nagising pa
ako nuh haha
Biyernes, Setyembre 28, 2012
Ika- 28 ng Setyembre
PANGATLO AT HULING ARAW NG PALARONG UPANG
Umulan pa ngayon kaya hinintay pang matuyo ang
volleyball court, panalo ang titans kontra vanguards, grabe ang kantsawan,
MAGDUTY NA LANG DAW KAYO , haha. Championship din sa basketball, CMA vs. CEA, rematch ng last year’s finals, this
time, panalo ang CMA. Cheerdance rin ngayon, ang highlights ng Palaro,
pangalawa ang Titans, Champion ang Vanguards, sila rin ang champion overall
kaya nganga ang mga CMA, hehe nagtataka rin ako ks\asi ang alam ko lamang ang
CMA, okay lang yan, look at the brighter dide, lahat tayo nag enjoy! Till the
next Palarong UPANG again!
Ika- 28 ng Setyembre
PANGATLO AT HULING ARAW NG PALARONG UPANG
Umulan pa ngayon kaya hinintay pang matuyo ang
volleyball court, panalo ang titans kontra vanguards, grabe ang kantsawan,
MAGDUTY NA LANG DAW KAYO , haha. Championship din sa basketball, CMA vs. CEA, rematch ng last year’s finals, this
time, panalo ang CMA. Cheerdance rin ngayon, ang highlights ng Palaro,
pangalawa ang Titans, Champion ang Vanguards, sila rin ang champion overall
kaya nganga ang mga CMA, hehe nagtataka rin ako ks\asi ang alam ko lamang ang
CMA, okay lang yan, look at the brighter dide, lahat tayo nag enjoy! Till the
next Palarong UPANG again!
Huwebes, Setyembre 27, 2012
Ika- 27 ng Setyembre
PANGALAWANG
ARAW NG ALARONG UPANG, maaga ako para magcheer haha, may exercise muna bago
mag- umpisa ang games, yun na yung steps namin sa PE dati ay haha. Pinanuod ko
yung game ng volleyball girls, TITANS kontra TROJANS, maganda ang umpisa ng
titans hindi nga lang nila nasustain, umalis ako dun na last point na para
makuha ng titans ang 1st set, pagbalik ko, Trojans ang nakakuha ng 1st
set , anyare haha. Isa lang naman ang gumagawa sa CITE, yung lesbie hehe. Ayos lang
yan girls, bawi na lang bukas, minalas din ang CEA, yung tumalo sa amin kahapon,
kalaro nila ang CITE, ibang iba laro nila ngayon kumpara kahapon, sana ganun
din kayo kahapon haha
Miyerkules, Setyembre 26, 2012
Ika- 26 ng Setyembre
PALARONG UPANG NA!Thank you Lord at magaling na ako, opening ngayon, maganda naman pero parang mas gusto ko yung last year, may jamming eh hehe.Ngayon din ang game namin, ang init grabe NG PWET KO, haha, grabe naman yun, ang tagal naming nagprepare tapos ibabangko lang din pala, yung isa namang kasama naming, ngayon lang nagpakita starting six pa, wow naman tsong haha. Next year sa mind games na lang ako para di na ako maabala!haha GO TITANS!
Martes, Setyembre 25, 2012
Ika- 25 ng Setyembre
Gumawa kami ng activity sa
Filipino, Happy Birthday Ma’am, may you and Derek live happily ever after haha.
Bagong topic na naman sa Structure, kaunti lang kami kasi halos lahat kasama sa
Palaro, nagexcuse na rin ako para makipraktis, pero sa totoo lang hindi talaga
ako nakipraktis, nanuod lang ako kasi masama pa rin pakiramdam ko, sabi kasi ni
captain pumunta klang ako para di nakakahiya sa ibang team mates. Sana gumaling
na ako bukas, Palaro na eh
Lunes, Setyembre 24, 2012
Ika - 24 ng Setyembre
Hindi na ako umattend ng first subject na ECO kasi excuse naman kami ng whole day para magpraktis ara sa Palarong UPANG, masama pa pakiramdam ko nun dahil naulanan ako nung sabado sa paggawa ng documentary, sa Sabangan kami nagpraktis, andun din mga cheerdancers. Umuwi na ako ng maaga kasi masama na talaga ang pakiramdam ko. Sana gumaling na akoL
Linggo, Setyembre 23, 2012
Ika- 23 ng Setyembre
Linggo
na naman, ang bilis talaga ng araw, di na ako pumunta ng praktis para
makapagpahinga naman ako, Pumunta rin
ako ng debut ng classmate ko nung highschool, actually dalawa silang may debut
ngayon, dun sa isa lang ako pumunta haha. Nasira a ang tiyan ko kaloka kaya
umuwi na ako ng maaga, ang dinahilan ko eh gagawin ko pa yung project ko sa English,
na totoo naman talaga haha, ang nakakainis lang, naligaw yung driver ng
traysikel na sinakyan ko, taga- Lingayen daw kasi siya, buti na lang at umabot ako sa bahay hahaha.
Sabado, Setyembre 22, 2012
Ika-22 ng Setyembre
Nagkamali ako ng sinabi, ngayon pala ang huling araw ng exam haha. Exam sa FIELD STUDY, madali lang naman, maaga akong natapos kaya’t dumiretso na ako ng DCNHS para tapusin ang Observation hours ko. Ang acitivity nila ngayon ay set up ng mga lugar sa story na diniscuss nila, magaganda yaong iba, talagang pinaghandaaan. Nilibre ko si ms. Cristina ng merienda, total huling araw ko naman na ito. Mamimiss ko sila ni ma’am reyna, lalo na yung mga corning jokes nila pero talagang matatawa ka, at yung mga estudyante. Salamat sa panahon ninyo, till we meet againJ
Biyernes, Setyembre 21, 2012
Ika- 21 ng Setyembre
Biyernes ngayon kaya’t araw para mag-observe ako sa DCNHS. Half day lang ako kasi pumunta kaming Mangaldan para maginterview para sa documentary naming sa History. ang tagal rin naming naghintay, nagrownout pa dahil kumidlat ng malakas, buti na lang at kakamipi naming si God at nagswitch din ang ilaw at dumating na si ma’am Dinah, yaong ininterview namin. Gabi na rin ako nakauwi
Huwebes, Setyembre 20, 2012
Ika- 20 ng Setyembre
HULING ARAW NG EXAM!
Sa structure , sabi ng iba mahirap, pero keri lang naman para sa akin(yabang nuh??) haha, maaga akong natapos kaya nakareview pa ako ng konti para sa FACILITATING LEARNING, pero sa kinasamaang palad, nganga ata ko dun eh haha. Ang bait ni ma’am alma may pagpipilian na ngayon ang exam haha. Feeling ko mataas ang makukuha kong grade ngayong term doon. Sa PE, madali lang, may mga nahuli si ma’am na nagdadaya raw. Hindi ko alam kung totoo kasi nsa harapan ako, di ko sila Makita. Salamat God, tapos na ang exam!
Miyerkules, Setyembre 19, 2012
Ika- 19 ng Setyembre
IKATLONG ARAW NG EXAM!
Sa ECO madali lang naman kasi multiple choice ang type ng
exa,, pero may mga careless mistakes na ako ng nagawa, NAKAKASAR! Sa ENGLISH,
checking lang kami ng test paper pero sa mga first years, sa history, paano ko
ba ipapaliwanag haha medyo medyo ano, BASTA! Hintayin na lang natin ang resulta
haha. Sa CAD, asar 48 lang nakuha ko sa exam, okay lang matataas naman mga quiz
ko.REVIEW ULIT para bukas!
Martes, Setyembre 18, 2012
Ika-18 ng Setyembre
IKALAWANG ARAW NG EXAM!
Madali lang naman ata yaong exam sa Filipino, sa structure quiz lang muna kami, ako ang highest sa klase dalawang mali lang nakuha ko hehe. sa FL naman review lang.. Sa LIT naman,
long quiz lang, as usual mahirap, pero okay lang naman ang score ko hehe. Sa PE
walang klase kasi raw hindi pa ready ang exam kaya para hindi kami maingay para
sa iba na may exam, kinansela na lang ang exam. Umuwi na ako ng maaga para
makapagpahinga at makapagreview na rin.
Ika- 17 ng Setyembre
UNANG ARAW NG EXAM!!!!
Sa ECO, long quiz lang muna kami, madali lang naman, sa ENGLISH naman, hindi na kailangang reviewhin kasi reading comprehension lang naman, pero mahirap hirap din siya kasi kailangan mo talagang intindihin. Sa HISTORY naman discussion lang muna, sa CAD, madali lang para sa mga nakapagreview talaga, kasi hindi ako gaanong nakapagreview dun,nganga haha. Sa SSA naman, essay lang. whoo nakasurvive ako sa unang araw, sana mataas mga nakuha ko at makukuha pa haha.
Linggo, Setyembre 16, 2012
Ika- 16 ng Setyembre
Linggo ngayon kaya ibig sabihin ay araw ng pagsisimba. Nagpasalamat ako sa mga biyayang aming natatamong pamilya. Naroon din sa simbhan sina lolo’t lola. Pagkatapos naming magsimba ay nanlibre si daddy ko sa Jolibee. Ilang taon din ang lumipas bago kami makakain muli sa fast food na iyon hahaha, ano kayang nakain nila haha.kailangan pang magreview, exam na pala bukas, God bless sa lahat!
Sabado, Setyembre 15, 2012
Ika- 15 ng Setyembre
Sabado may pasok haha, discussion sa FS, about Psychosexual at Psychosocial theory, ilang beses na naman yang mga yan mula first year ko pa haha. Pagkatapos nu eh dumeretso na ako ng gym para makipraktis, grabe yung spike nung isa naming kasama, HALIMAW haha, ang sakit ng kamay ko nung blinock ko. Tapos seminar na for education students sa library, guest speakr eh metrobank awardee, magaling siya pero hindi ako masyadong nakafocus sa topic kasi antok na antok na ako dahil sa pagod. Review muna ako bago matulog.
Biyernes, Setyembre 14, 2012
Ika- 14 ng Setyembre
TGIF! Observation na naman! Nagdramatic reading ang section 11, hindi sila ganun kagaling kumpara sa iba, pero A for effort naman, sumunod section two, informal theme sila tungkol sa conjunctions, parang mali yung isang sentence dun, sabi “we promote peace for our world”, conjunction daw ung FOR, oo nga conjunction yun pero ang function nun sa sentence na yun eh preposition, tinanong ko si ma’am tungkol dun, tama nga raw ako hehe, kaya ko yun tinanong hindi para magyabang na alam ko, kundi para masigurado ko at gusto kong matuto at isa pa para hindi mailto mga estudyante. Di naman kasalanan ni ma’am kasi hindi naman sila gumwa nun, sa National ata, hala kayo haha joke only. Yes!nakadalawampung oras na akong nagobsrve, limang oras na lang!:)
Huwebes, Setyembre 13, 2012
Ika- 13 ng Setyembre
Huwebes na! May quiz pala sa Filipino hindi ko alam kaya di ako nakareview, ung part 1 dalawa mali ko, yung sumunod 33, times two yun kaya malamang 66 haha, sana nabaliktad na lang yun para naka 99 ako nuh haha, bagong lessons na naman sa Structure of English, clauses, diba yun yung kabaliktiran ng “open”? waley haha, sa Facilitating learning discussion lang, nagdismiss na kami ng maaga sa literature kasi may bingo bonanza, nanalo sana ako ng limandaan, ang hinihintay kong numero 35, ang lumabas 36, nganga haha. Praktis uli sa volleyball, bitin ngayon.
Miyerkules, Setyembre 12, 2012
Ika- 12 ng Setyembre
Discussion na naman sa Economics ngayon, sa English naman may quiz kami, madali lang naman. Nagbasa basa muna ako sa History kasi nagkaroon kami ng quiz, 25 mula 40, ayyy ano ba nyun haha di bale pasado naman, sa Child and Adolescent, first time na nagbigay si ma’am ng pop quiz, ewan kung quiz yun, basta nagulat kami hahaha. Sa Sociology gupit- gupit ng dyaryo haha. Nagkaron ng meeting ang CSS para sa palaro, sukatan na rin ng uniforms tapos pagkatapos nagpraktis kaming volleybell boys sa West Central Elementary, hindi ko alam kaya nakayapak at nakaslacks akong naglaro, ang nakakatawa pa, ang laki ng punit ng pantalon ko dahil sa paglalaro haha.
GO TITANS!
Martes, Setyembre 11, 2012
Ika- 11 ng Setyembre
Oh eto martes na nga haha, discussion sa Filipino pagkatapos my activity, mataas naman siguro nakuha ko dun nuh? Haha. Sa English may group quiz, ayaw ko ng ganun kasi yung iba wala namang ginagawa , hay naku. Na-late ako sa FL kasi nagpaphotocopy pa ako, pinagtatalent ako kasi yun ang parusa sa mga late, sorry aaralin ko pang sayawin yung Oppa Gangnam Style haha. Sa Afro discussion, “the mole”, maganda yung story nay un, sa PE, Practicum, all I can say is NGANGA haha
Lunes, Setyembre 10, 2012
Ika- 10 ng Setyembre
Kung may TGIF (Thank God it’s Friday), meron ding OGIM, oh God it’s Monday!haha. Ang bilis ng araw, Lunes na naman, hindi ako makaconcentrate mag- aral, sakit kasi ng katawan ko dahil sa practice kahapon, di kasi ako nagstretching eh. Wala namang masyadong ginawa ngayon, discussion sa economics, checking ng output sa English, mataas naman nakuha ko, discussion uli sa history, sa socio walang ginawa. Martes bukas, favorite schedule ko haha
Linggo, Setyembre 9, 2012
Ika- 9 ng Setyembre
Linggo ngayon, dapat araw ng pahinga ngunit hindi, praktis sa volleyball eh, andun na ako sa UPANG nang 8 am kasi yun ang usapan, ngunit, subalit, datapwat, alas dyes naman na sila pumunta. Lilima pa kami, out of 12 yan ah. Nagbangka pa kami papuntang Carael, Island barangay kasi yun, first time kong makasakay sa Bangka na de- motor kaya nasiyahan naman haha. May traffic nga lang kasi may POSO haha biro lang. umuwi na ako nang alas tres kasi magpapadentista pa ako, at nung andun na, may tumawag kay doktora, nadisgrasya raw anak niya sa basketball, nadislocate ata siko. Hindi naman sana malala.
Sabado, Setyembre 8, 2012
Ika- 8 ng Setyembre
Sabado ngayon pero may pasok! Okay lang naman kasi isang
oras lang, nagpaphotocopy pa ako nung handbook naming kaya late na akong
nakapasok, yun pala next week pa kukuni oh di sana di ko na piunagpaguran haha
sabagay para hindi ko na gagawin, madaming madami pa kasi gagawin, pag- uwi sa
bahay oh di naglinis,ayaw kong mag-aral ngayon nakakatamad, cramming na lang
para may effort diba?haha bukas volleyball practice pa kaya kelangan ko nang
matulog, hanggang sa muli!
Biyernes, Setyembre 7, 2012
Ika- 7 ng Setyembre
Thank God it’s Friday! Pero tuloy pa rin ang pasok,yung iba walang pasok, ganun kasi sa UPANG, pero kaming mga Education students parang Professional Teacher na kung makapasok, wagas haha. Okay lang naman kasi nakakarelieve ng stress pag tinatawag kang sir ng mga estudyante hehe,pumunta ako dun ng 7:30,late pa nga ako eh, wala si Ms. Salanga ngayon may sakit daw,pagaling ka ma’am!haha. activity lang ginawa ng mga estudyante ngayon eh biyernes kasi ganun sa city high, sentence no. 10 sa informal theme nila, “My bread and butter is teaching”, anu yun?multo? haha idiomatic expression pala ibig sabihin source of income, natuto na naman ako haha, naconfuse mga ilang estudyante kaya sinabi ko sa kanila yung meaning nung lumabas si ma’am, oh di nakatulong pa ako haha, yung mga ibang estudyante naman binobola ako, pogi raw ako, kinukuha pa no. ko,ugugaw kayo ni, huwag niyo naman abusuhin kagwapuhan ko hahahaha, sige bukas na lang ulit, baka ano pa masabi ko eh haha adios!
Huwebes, Setyembre 6, 2012
Ika- 6 ng Setyembre
Naglong quiz kami sa Filipino ngayon, sana marami makuha ko haha. Sa English ito ang wagas nag skit na kami, alam mo role ko?gay lang naman,keribels lang haha. First time konga nakitang nagalit si sir,galit ba siya nun?sumigaw eh,siguro nga maingay sila eh,oo tahimik lang ako nuh,haha. Sa fl naman,anu ba ginawa naming,ahh naginfomercial pala kami,kasi hindi ko alam ginawa,agak akipraktis eh,oh di nganga haha. Sa afro naman,discussion,walang p.e pagkatapos nun kaya nag-observe ako sa city high,nakaten hours naku!15 na lang!
Miyerkules, Setyembre 5, 2012
Ika-5 ng Setyembre
Mas gusto ko talaga ang T-TH na schedule ko, ewan ko ba,mas
may thrill kasi, di tulad ngayong araw, parang normal na
naman, discussion, discussion, at isa pang discussion. Wala na bang bago?haha
Ano bang meron sa araw na ito na iba?hmm alam ko na!WLA!haha.
walang dalawang huling subjects ko, sana nag- observe na lang ako sa City High,
sabagay di naman nasayang oras ko kasi ginawa ko project namin, sa biyernes na
lang ako ulit mag-oobserve,hayy madami na naming gagawin bukas, keribels lang
hahaha,sige at marami pa rin akong gagawin,hanggang sa muli!adios!
Martes, Setyembre 4, 2012
Ika- 4 ng Setyembre
Nakakaasar! Ito ang unang pagkakataon na kumuha ako ng admission slip sa CSDL, hindi kasi ako nakasuot ng kumpletong uniporme. Uniform ang aking pang-itaas ngunit maong pants na lamang ang aking pang-ibaba, pano ba naman sunud-sunod ang aming mga play kaya’t napagpasyahan kong magmaong na lamang. Di bale, atleast nasubukan ko haha!!nagquiz kami sa Filipino, sampu mula sa labinlima,ano sa tingin mo?ok na ba?haha.discussion lang pala sa English, akala ko ngayon ang play, naantala pala. Sa FL naman, infomercial, waley is all I can say haha.Maganda ung story sa literature naming, krimen kasi, ikaw mag- iisip kung sino may sala. Sa p.e practicum, tapos umattend ako sa meeting para sa volleyball ng Palarong UPANG,may kumuha ng gusto kong jersey no.2!nakakaasar ka haha!eh di nag no.6 na lang ako, no big deal haha
Lunes, Setyembre 3, 2012
Ika- 3 ng Setyembre
Unang Lunes ng Setyembre, parang
normal na araw lamang para sa akin. Pumasok sa mga kalse, una riyan ang
Economics, nagquiz sa English, nagdiscuss sa history,nagquiz sa Child and
Adolescent, nanuod ng pelikula sa Socio. Grabe
yung “City of God”, marahas, tungkol sa mga kabataang gangster. Para bang hobby
nila ang pumatay. pagkatapos ng klase ay nagpraktis pa kami para sa skit namin bukas para sa structures of english , sana ay magustuhan nila lalo na't ito ay aking likha.
Marami na
naming gagawin bukas, kaya kailangan ko pang mag- aral. Paalam!
Linggo, Setyembre 2, 2012
Ika- 2 ng Setyembre
Para paring isang panaginip ang nangyari kahapon, ako na dating walang kumpyansa sa sarili ay nakaabot sa kampeonato ng isang debate. Mapalad din ako dahil napili ako bilang top 7 na best speaker mula sa tatlumpong mga kalahok. Dahil dito ay mas nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili. Napakasarap ding pakinggan ang mga papuri ng iyong mga magulang. Nagsimba kami ngayong araw, nagpasalamat sa mga blessings na aming natatanggap.
Bukas ay lunes nanaman,parang isang araw lang ang pahinga matapos ang nakakapagod na lingo. Sinong mag-aakala na Ika-2 na pala ng Setyembre ngayon, BER Month ika nga nila, hudyat na nalalapit nanaman ang Pasko. Ang bilis talaga ng panahon, sana ay gumanda pa ang mga araw na ito para sa akin.
Sabado, Setyembre 1, 2012
Ika-1 ng setyembre
Isa itong makasaysayang araw sa akin, ngayon ay sumali ako kasama ang dalawang de Guzman na sina Michael James at Michael John sa isang debate. Kahapon lang kami nagkakila- kilala kaya’t medyo nahirapan kaming mag- adjust. Sa katunayan ay talo kami sa unang salang ng kompetisyon, sa sunmunod na dalawang laban ay pinalad kaming manalo. Hindi namin akalain na papasok pa kami sa semi- finals, at mas lalo na nang matalo namin an gaming nakalaban dahil totoo naman na napakagaling nila. Dahil dito ay tuloy na ang aming kampanya sa kampeonato kalaban ang CMA. Ang aming pinagdebatihan ay tungkol sa pagpapatupad ng death penalty, aming nabunot ang pagsang-ayon ditto. Naging mainit ang batuhan ng ideya, sa katunayan ay humantong pa ito sa split decision ngunit sa huli ay di kami pinalad na manalo. Gayunpaman ay napakasaya naming dahil narating namin ang ganiti lalo na at hindi naming ito inakala. Nagpapasalamat ako sa aking mga nakasama at sa lahat ng mga sumuporta at naniwala sa amin.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)