Sabado, Setyembre 1, 2012

Ika-1 ng setyembre


Isa itong makasaysayang araw sa akin, ngayon ay sumali ako kasama ang dalawang de Guzman na sina Michael James at Michael John sa isang debate. Kahapon lang kami nagkakila- kilala kaya’t medyo nahirapan kaming mag- adjust. Sa katunayan ay talo kami sa unang salang ng kompetisyon, sa sunmunod na dalawang laban ay pinalad kaming manalo. Hindi namin akalain na papasok pa kami sa semi- finals, at mas lalo na nang matalo namin an gaming nakalaban dahil totoo naman na napakagaling nila. Dahil dito ay tuloy na ang aming kampanya sa kampeonato kalaban ang CMA. Ang aming pinagdebatihan ay tungkol sa pagpapatupad ng death penalty, aming nabunot ang pagsang-ayon ditto. Naging mainit ang batuhan ng ideya, sa katunayan ay humantong pa ito sa split decision ngunit sa huli ay di kami pinalad na manalo. Gayunpaman ay napakasaya naming dahil narating namin  ang ganiti lalo na at hindi naming ito inakala. Nagpapasalamat ako sa aking mga nakasama at sa lahat ng mga sumuporta at naniwala sa amin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento