Martes, Oktubre 16, 2012

Pag-aasawa sa wastong edad at matyuridad


                                                                   Utak, hindi puso
               Marami ngayon ang nag- aasaw nang hindi pa gaanon handa, marahil sila ay wala pang magandang hanapbuhay na pantustos sa magiging pamilya o hindi kaya’t wala pa sa wastong edad. Ngunit ano nga ba ang wastong edad, sabi ng nakakarami ay dapat 25 pataas dahil sa edad na ito ay may kakayahan ka na, ngnit para sa akin ay wala namang age requirement sa pag-aasawa, lalo na sa pagmamahal, naa sa iyo parin yan kung h anda ka nang humarap sa agiging isang asawa at maging maglang sa iyong magiging anak, ang mahalaga ay mahal mo ang iyong aasawahin at hindi ka napipilitan lamang.                  Dapat din ay mag-isip ka muna nang ilang beses bago humantong sa pag-aasawa, kung nais mob a na siya na ang iyong makasama pamhabambuhay, sabi nga nila”ang pag-aasawa ay hindi parang kaning maiinit na kapag napaso ka’y iyong iluluwa. Maraming mag-asawa ngayon ang hindi nakapag-uunawaan, may mga pagkakataong naglolokohan pa nga, hindi sana hahantong sa ganoong pangyayari kung pinag-isipan nilang mabuti ang tungkol sa pag-aasawa.
Hindi lang dapat puro puso ang pairalin sa pagmamahal, dahil sa panahon ngayon mas kainlangan nating gamitin an gating isipan tungkol sa pag-ibig.        

Mga sosyo- pulitikal na isyu sa lipunan


                                              KAILAN KAYA?

Nalalapit na naman ang eleksyon, ibig sabihin ay maglilipana na naman ang naglalakihan streamer sa paligid na nanghihikayat na sila’y iboto tungo sa pinapangarap na kaunlaran, kung makabago ka naman ay hindi mo  na kailangang magbigay ng tarheta sa mga botante, simpleng plastic lang na may lamang bigas at de lata na tila ba nagmistulang may bagyo, samahan mo pa ng tatlong daan ay siguradong may isang boto ka na.
 Ngayong nalalapit na eleksyon ay makakaboto na ako, napapaisip ako tuloy kung anong uri ng kandidato ang aking iboboto, napapatanong na lang ako kung sa panahon ngayon meron pa bang pulitiko na tapat sa kanyang serbisyo na hindi na kailangan ng kickback sa bawat proyektong gagawin niya. Kailan kaya darating ang araw na hindi magsusulputan ang paggawa ng mga kalsada sa nalalapit na eleksyon, kalian kaya hihinto ang political dynasty sa bansa?, kalian kaya titigil ang mga pulitiko na magpalipat –lipat ng grupo sa eleksyon?, kailan kaya tayo pupunta sa tinatawag na tuwid na daan?
            Sana masagot ang aking mga katanungan, hindi naman kailangan na magsiraaan pa tayo, iisa lang naman kasi an gating mithiin, ang matamo ang kaginhawaan, kaya sana ay maging magandang ehemplo ang mga nakatataas na tao tungo sa kaayusan, dahil kung sarili nila ay hindi na nilamatuwid, paano pa kaya sa kanilang pamumunuan?

Pananaw ko sa Edukasyon sa akng buhay



Edukasyon, susi sa tagumpay
“Ang edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maibibigay naming sa inyo na hindi kayang nakawin ng sinuman,” yan ang palagi kong naririnig sa aking mga magulang. Di ko napagtanto ang kahalagahan ng edukasyon noong ako’y nasa hayskul pa lamang, oo nga’t kabilang ako sa first sectionI ngunit tila ba taken for granted lamang ang edukasyon para sa akin.
            Di ko lubos akalain na sa pagtuntong ko sa kolehiyo ay “Edukasyon” ang kursong kukunin ko sapagkat di ko pinangarap na magingguro sa totoo lamang.nginit dahil sa pag-oobserba sa isang paaralan(kailanganin para sa aming asignaturang Field Study) aking napagtanto ang pagsubok na kinakaharap ng mga guro, na kailangan nilang ibahagi abg kanilang mga nalalaman sa mga estudyanteng nagtataglay ng iba’t ibang katangina kapalit ang napakaliit na kikitain.
            Ngunit sa halip na sumuko sa aking naumpisahang hakbang, mas lalo pa kong nagpupursige upang makapagsilbi sa ating bayan. Mahirap man ang mga pagsubok na aking kakaharapin ay hindi pa rin ako magpapatinag mabigyan laman ng agandang edukasyon an gating kababayn dahil naniniwala pa rin ako na eng edukayon ang susi  sa tagumpay.