Martes, Oktubre 16, 2012

Mga sosyo- pulitikal na isyu sa lipunan


                                              KAILAN KAYA?

Nalalapit na naman ang eleksyon, ibig sabihin ay maglilipana na naman ang naglalakihan streamer sa paligid na nanghihikayat na sila’y iboto tungo sa pinapangarap na kaunlaran, kung makabago ka naman ay hindi mo  na kailangang magbigay ng tarheta sa mga botante, simpleng plastic lang na may lamang bigas at de lata na tila ba nagmistulang may bagyo, samahan mo pa ng tatlong daan ay siguradong may isang boto ka na.
 Ngayong nalalapit na eleksyon ay makakaboto na ako, napapaisip ako tuloy kung anong uri ng kandidato ang aking iboboto, napapatanong na lang ako kung sa panahon ngayon meron pa bang pulitiko na tapat sa kanyang serbisyo na hindi na kailangan ng kickback sa bawat proyektong gagawin niya. Kailan kaya darating ang araw na hindi magsusulputan ang paggawa ng mga kalsada sa nalalapit na eleksyon, kalian kaya hihinto ang political dynasty sa bansa?, kalian kaya titigil ang mga pulitiko na magpalipat –lipat ng grupo sa eleksyon?, kailan kaya tayo pupunta sa tinatawag na tuwid na daan?
            Sana masagot ang aking mga katanungan, hindi naman kailangan na magsiraaan pa tayo, iisa lang naman kasi an gating mithiin, ang matamo ang kaginhawaan, kaya sana ay maging magandang ehemplo ang mga nakatataas na tao tungo sa kaayusan, dahil kung sarili nila ay hindi na nilamatuwid, paano pa kaya sa kanilang pamumunuan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento